TRANSPORT STRIKE | Mga empleyado ng hudikatura, maagang pauuwiin

Manila, Philippines – Epektibo ngayong alas dos ng hapon ay pauuwiin na ang
mga empleyado ng hukuman sa buong bansa.

Bunga ito ng nationwide transport strike ngayong araw.

Ayon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio, kabilang sa mga empleyadong
pinauwi ngayong alas dos ng hapon ang mga nasa hukuman sa buong bansa
kasama na ang Korte Suprema, Court of Appeals, Court of Tax Appeals,
Sandiganbayan at mga trial court.


Gayunman, inaabisuhan ni Carpio ang mga frontline office sa Korte Suprema,
Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan na maghanda ng
skeletal force, gayundin ang mga executive judge ng mga trial court.

Facebook Comments