Cauayan City, Isabela – Nanindigan si Jose “Bentot” Panganiban Jr., Chairman ng House Committee na mapapakinabangan ng mga magsasaka ang Rice Tarrification Law!
Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay ANAC-IP Partylist Representative Jose “Bentot” Panganiban Jr., sinabi nito na matutulungan ang mga magsasaka sa nasabing batas upang mapataas ang kanilang kita.
Ayon kay Panganiban, madadagdagan ang pondo ng rice sector sa bansa sa halagang 10 bilyon mula sa 5 bilyong piso upang maiangat ang antas ng modernisasyon ng mga farmers.
Mas magiging produktibo rin anya ang mga magsasaka dahil mabibigyan sila ng mga kagamitan, libreng irigasyon, mapababa ang Cost of Production at m ababang interes na pautang dahil sa kanila maibibigay ang makukuhang taripa mula sa mga imported na bigas.
Kaunay nito, hindi mabubuwag ang National Food Authority (NFA) sa pagbili ng mga palay subalit hindi na anya ito maaaring mag-import ng bigas dahil tututukan na lamang ang pagbili ng palay sa mga local na magsasaka.
Titiyakin naman ng Congressman na mapupunta ang lahat ng mga nakasaad na benepisyo sa lahat ng magsasaka at kanyang babantayan ang pagpapatupad nito.
Samantala, hindi dapat isisi sa nasabing batas ang pagbaba ng presyo ng pagbili ng mga palay dahil hindi pa ito fully implemented.
Ito ay sa kabila nang katatapos lamang na paglagda ng pangulo sa batas at hinihintay na lamang ang ginagawang Implementing Rules and Regulation (IRR) nito upang maisakatuparan.