NANINDIGAN | SolGen Calida, dumepensa sa kontrobersyal na security company ng kanyang pamilya

Manila, Philippines – Nanindigan si Solicitor General Jose Calida na wala siyang ginawang iligal at labag sa batas kaugnay ng kontrata sa ilang ahensya ng gobyerno na pinasok ng Vigilant Investigative and Security Agency Incorporated (VISAI) na pag-aari ng kanyang pamilya

Ayon kay Calida, nagbitiw na siya bilang chairman at presidente ng VISAI noon pang May 30, 2016 o isang buwan bago siya magsimulang manungkulan sa OSG noong Hulyo 2016.

Nilinaw pa ng kampo ni Calida na hindi ang OSG ang “approving authority” para sa mga kasunduang pinasok ng VSAI na nakuha ng kumpanya sa pamamagitan ng public bidding.


Dahil dito, wala aniyang batayan ang akusasyong conflict of interest laban sa kanya.

Nauna nang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ligal at dumaan sa tamang proseso ng procurement ang kontrata na pinasok ng Department of Justice (DOJ) sa security company na pag-aari ng pamilya ni Calida.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaring binabalikan lamang si Calida ng kanyang mga kritiko matapos niyang maipanalo ang inihain niyang quo warranto case laban kay Dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Facebook Comments