NANINDIGAN | Tape recording ng pagpatay sa Saudi journalist, hindi papakinggan ni Trump

Nanindigan si U.S. President Donald Trump na hindi nito pakikinggan ang audio recording ng pagpatay sa Saudi Arabian journalist na si Jamal Khashoggi.

Ito ay sa kabila ng natatanggap niyang pressure na parusahan ang Saudi Arabia dahil sa insidente ng murder.

Maaalalang si Khashoggi ay pinatay sa loob ng Saudi Consulate noong October 2 at binigyan ng Turkey ang U.S. ng kopya ng recording ng karumal-dumal na krimen.


Ayon kay Trump – ayaw niyang pakinggan ang tape dahil matinding hirap at sakit ang dinanas muna ng mamamahayag bago ito mamatay.

Kaya ni Trump na ilarawan ang mga nakakakilabot at marahas na ginawa kay Kashoggi kahit hindi niya pakinggan ang tape.

Iginiit din ng Pangulo ng Estados Unidos na nais din nitong panatilihin ang pagiging malapit na kaalyado nito sa Saudi Arabia.

Facebook Comments