NANINIWALA | Hindi pagkakaintindihan ng Kuwaiti Government at ni Ambassador Villa, maaayos din sa lalong madaling panahon

Manila, Philippines – Naniniwala si Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na maayos din ang hindi pagkakaunawan sa pagitan ng Kuwaiti Government at ni Ambassador Renato Pedro Villa, dahil sa di umano ay offensive remark nito laban sa Arab State at sa ginawang pagsagip sa ilang naabusong OFW.

Sinabi ni Secretary Cayetano, tatlong beses ipinatawag ang ating ambassador sa Kuwait at kinukwestyon ang pagkilos ng ating embahada sa pag rescue at kung tinutupad natin ang batas ng nasabing bansa

Sinabi pa ng kalihim, mahinahon at magalang na sinagot ng ating Ambassador na si Ambassador Renato Pedro Villa, Jr. Ang summon ng Kuwaiti government.


Sinabi ng kalihim, lahat ng kaso ng rescue at pang aabuso sa ating mga kababayan doon ay idinadaan sa ministry of interior at nakikipag-coordinate din sa local authority doon.

Ipinaliwanag pa ng kalihim na kaya ang gobyerno ng Pilipinas ang nagrerescue sa mga OFW’s ay dahil narin sa matinding panganib na kinakaharap ng ating mga kababayan o posibleng life & death ang situation.

Facebook Comments