INIWAN | Fetus natagpuan sa basurahan sa Maynila

Manila, Philippines – Kalunos-lunos ang sinapit ng isang fetus matapos matagpuan sa gilid ng kalsada na may tambak na basurahan sa CM Recto Avenue.

Nakabalot sa plastik ang sanggol, ito ay isang lalaki na tinatayang may edad 5 hanggang anim na buwan.

Ayon kay Domingo Dizon, naglalakad siya sa CM Recto ng mapansin ang isang plastik na may lamang fetus ala una ng madaling araw.


Kinuha niya ito at agad dila sa police station.

Isinilid naman ito sa kahon at dinala sa funeral homes.

Sinabi ni Domingo na sana makonsensya ang nagtapon ng fetus na ngayon ay pinaghahanap na ng mga otoridad kung sino man ito.

Facebook Comments