NANLABAN | 2, patay sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Patay ang dalawang hinihinalang tulak ng iligal na droga matapos manlaban sa mga pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City.

Nabaril ng mga pulis ang dalawang suspek na kinilalang sina alias “Kosa” at “Jun.”

Ayon sa mga otoridad, nakabili ng shabu ang mga undercover na pulis mula sa mga suspek, pero nakatunog umano ang mga ito na pulis ang kanilang katransaksiyon.


Tumakbo ang dalawang suspek at nagsimulang magpaputok ng baril sa mga pulis.

Gumanti ng putok ng baril ang mga otoridad at doon na binawian ng buhay ang mga suspek.

Narekober mula sa kanila ang 5 sachet ng shabu at dalawang baril.

Facebook Comments