ROAD CRASH | 2 patay, 4 sugatan sa road accident sa Cebu City

Cebu City – Dalawa patay habang apat naman ang sugatan sa aksidente ng tricycle at nang dalawang mini bus sa Barangay Magay, Cebu City.

Dead on the spot sina Eje Rose Halipa at Mary Grace Tali habang isinugod naman sa pagamutan sina Wellaflor Mollena, Evangeline Davidon, Sherry Mae Moreno at ang driver ng tricycle na si Michael Francisco.

Ayon sa imbestigasyon ng compostela traffic commission, papasok sana sa trabaho ang limang sakay ng tricycle nang bigla itong mabangga sa nag-overtake na mini bus.


Sa lakas ng pagkabundol, tumilapon ang dalawang pasahero ng tricycle at nasagasaan ang mga ito ng isa pang kasunod na mini bus.

Nakakulong na ngayon ang driver ng dalawang mini bus habang inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanila.

Facebook Comments