SIBAK | Hepe ng Muntinlupa City Police Office, sinibak na sa pwesto

Manila, Philippines – Sinibak na ni NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang hepe ng Muntinlupa City Police Office na si Senior Superintendent Dionision Bartolome.

Ito ay matapos na masangkot sa robbery extortion ng apat niyang tauhan na nahuli kahapon sa isang entrapment operation na ginawa sa mismong police station.

Mismong ni Eleazar ang nanguna sa entrapment operation kahapon kung saan naaresto sina PO2 Farvy Dela Cruz, PO1 Jon-Jon Averion, PO3 Romeo Par at SPO1 Psylo Joe Jimenez na pawang miyembro ng intelligence and drug enforcement unit ng Muntinlupa PNP.


Nagtangka pang tumakas ng apat na pulis pero agad ding nasakote.

Ayon sa reklamo ng babaeng na tinukoy lamang sa alyas “madam,” hinihingan siya ng apat na pulis ng aabot sa P300,000 makaraang mahulihan siya ng ilegal na droga.

Facebook Comments