NANLABAN | 2 patay sa engkwentro sa QC

22

Quezon City – Patay ang dalawang holdaper makaraang makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa Austria Street, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Police Superintendent Rossel Cejas ng QCPD Station 4, matapos makatanggap ng ulat na kaugnay sa robbery-agaw armas gang na nago-operate sa Greenfield Subdivision, kung saan nambibiktima ng mga naka-duty na security guard ang mga ito, agad nilang pinaigting ang police visibility sa lugar.

Nang mamataan ng mga otoridad ang apat na kahina-hinalang lalaki na sakay ng motorsiklo, agad sinita ang mga ito at dito na nagpaputok ang mga suspect.

Napatay ang dalawa, habang nakatakas naman ang dalawa pa, na mabilis nakapagmaneho palayo patungo sa General Luis Valenzuela.

Isa sa mga napatay ay kinilala bilang si alias Delfin, na miyembro ng akyat-bahay gang at dati nang nakulong sa kasong robbery.

Facebook Comments