NANLABAN | 5 drug suspek patay sa magkakasunod na anti-drug operation sa Laguna

Laguna – Patay ang limang drug suspek matapos ang magkakasunod na anti-drug operations sa Laguna kaninang madaling araw.

Ayon kay Laguna Officer in Charge Police Director Senior Supt. Kirby John Kraft, 2 hinihinalang tulak ng droga ang napatay sa Pansol, Calamba pasado alas-2:00 ng umaga kanina sa ikinasang buy bust operations.

Isa sa mga ito ay kinilala sa pangalang Christopher Manjares Gonce alyas Boy B, habang hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng kasama niyo.


Dakong Ala 5:00 ng madaling araw naman kanina, 3 drug suspek naman ang nasawi sa isa ring buy bust operation sa bahagi naman ng San Pablo City.

Kinilala ang dalawa sa mga ito ay kinilalang sina Reynaldo Dante at Wilbert Sardido habang inaalam pa naman ang pagkakakilanlan ng isa pang napatay na suspek.

Mayroon rin silang napatay na isang hinihinalang carnapper kaninang pasado alas-3:00 ng madaling araw makaraang umanong magnakaw ng motorsiklo.

Kinilala ito na si Emerson Layco Santos residente ng Brgy San Vicente, San Pedro City Laguna.

Sa ulat ng Laguna Police lahat ng napatay kaninang madaling araw ay pawang mga nanlaban.

Facebook Comments