NANLABAN | Isang lalaki, patay habang isang pulis sugatan sa nangyaring engkwentro sa Maynila

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang lalaki habang sugatan naman isang pulis sa nangyaring engkwentro sa Barangay 148 sa Maynila.

Wala pang pagkakakilanlan ang napatay na suspek pero nakatakas ang apat nitong kasamahan na sakay ng dalawang motorsiklo.

Sa ulat, tumakas sa checkpoint sa P. Ocampo ang mga suspek at pagsapit sa Estrada at Taal Street sa nabanggit na barangay, nagpaputok agad ang mga ito kaya at napilitang gumanti ang mga otoridad.


Sugatan naman sa nasabing insidente ang isang pulis na nakilalang si PO1 Agustin na may tama ng bala sa hita.

Facebook Comments