NANLABAN | Lalaki, patay sa buy-bust operation sa QC

Quezon City – Patay ang isang lalaki matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation sa C.P. Garcia Street sa loob ng UP Diliman, Quezon City.

Kinilala lamang ang suspek sa alyas na Joey na kabilang sa Ricky Peralta Robbery/Holdup Group.

Ayon sa mga otoridad, isang linggo nilang isinailalim sa surveillance ang suspek na nagbebenta ng hindi lisensyadong baril.


Nagpanggap ang mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD) na bibili ng baril mula kay alyas Joey at kanyang isang kasamahan.

Nang aktong aarestuhin ay agad na bumunot ng baril si alyas Joey ngunit naunahan siya ng mga pulis kaya at napatay ito habang nakatakas naman ang kanyang kasabwat.

Narekober mula sa nasawing suspek ang isang kalibre 45 baril at kalibre 38 revolver.

Facebook Comments