NANUTOK NG BARIL | UV Express driver, arestado

Manila, Philippines – Arestado ang isang 35-anyos na driver ng UV Express matapos na manutok ng baril sa kapwa niya driver sa Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Kwento ng suspek, nauna siya sa pila sa terminal ng isang mall at gusto ng kararating lang na complainant na maunang mapuno ang kanyang sasakyan.

Dito na aniya sila nagkasagutan pero hindi totoong nanutok siya ng baril.


Pero ayon kay QCPD Station 2 Chief P/ Supt. Carlito Mantala – bukod sa complainant, sinabi rin ng iba pang driver na nakakita sa away na nanutok ng baril ang suspek.

Aminado naman ang suspek na dala niya ang kanyang baril pero ibebenta raw kasi niya ito.

Kinumpiska na ng pulisya ang baril na kargado ng walong bala.

Bukod sa kasong grave threat, sasampahan din ang suspek ng illegal possession of firearms and ammunition matapos madiskubreng paso na ang lisensya at permit to carry ng baril.

Facebook Comments