NAPAGTRIPAN? | Family picture sa Amerika, nauwi sa katatawanan

Amerika – Sa halip na magalit, pinagtawanan na lang ng isang pamilya sa Amerika matapos na makita ang kauna-unahan nilang family picture.

Mistulang pinag-tripan kasi ng nagpakilalang “professional photographer” ang kanilang larawan matapos na takpan ang mga mukha nila ng cardboard mascara!
Nagmukha lang naman silang mga taong lego sa halagang $250 o P12,000.
Katwiran naman ng photographer, ang pangit daw ng shadows sa mukha ng pamilya Zaring at hindi siya naturuan ng professor niya kung paano mag-retouch ng pictures.
Pero sabi ni Pam, worth it ang ibinayad nila dahil first time daw niyang napatawa ng ganon.

Facebook Comments