NAPIKON | Luis Manzano, hindi natiis na sagutin ang komento ng isang netizen

Manila, Philippines – Hindi napigilan ni Kapamilya host na si Luis Manzano na sumagot sa isang netizen na kumwesyon sa pagiging orig ng ipinost niyang bagong sapatos.

Sa instagram post ni Manzano, nag-comment ang netizen, sa pamamagitan ng pagta-tag sa isang blogger na nagche-check ng mga fake apparel.

Nireplyan ni Manzano ang comment na ito ng netizen kung saan sinabi nito na, “wag puro inggit, magsikap lang kesa sa nega ka…”


Sinagot siya ng netizen kung saan sinabi nitong, “inggit? Agad- agad?”

Reply ni Manzano, “yup. Imbes na manahimik. Kelangan pagdudahan, ganiyan talaga buhay ng inggit…”

Binisita pa ni Manzano ang account ng netizen at nag advice na, “pre, ok naman sa St. Luke’s pre, sipag lang para mawala inggit sa buto!”
Say ulit ng netizen, “dapat sinabi mo na lang na orig ‘yan kesa humaba pa usapan natin. Dinamay mo pa pagkatao ko. Bakit malinis ba pagkatao mo?… Abang – abang ka ng bagong FHM, jowain mo ulit.”

Blinock na ni Manzano ang netizen sa kaniyang instagram.

Facebook Comments