NAPIKON | Magsasaka, sugatan matapos saksakin ng isang tanod sa Ilocos Sur

Ilocos Sur – Sugatan ang isang magsasaka matapos saksaking ng isang tanod na napikon sa pang-aasar nito sa Barangay Bucalag, Santa, Ilocos Sur.

Nakilala ang nasawing magsasaka na si Elmer Bista habang kusa naman sumukong ang suspek na tanod na si Benjamin Baldonado.

Sa imbestigasyon, napikon ang suspek matapos asarin na “supot” ng biktima na naka-inom at may bitbit pang bote ng alak na walang laman.


Nang mabitawan at mabasag ang bote na hawak ng biktima, pinulot ito ng suspek saka ilang beses sinaksak sa tiyan ang magsasaka.

Agad na naisugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang ang biktima habang kusa naman sumuko ang suspek sa mga otoridad.

Facebook Comments