NAPIKON? | Matteo Guidicelli, pumatol sa mga bashers nito

135

Manila, Philippines – Napuno na ang aktor na si Matteo Guidicelli sa mga bashers nito.

Ito ay dahil sa binigyan ng malisya ang nai-post na larawan niya kasama ang isang non-showbiz girl habang buhat niya ito sa kaniyang balikat.

Ayon sa mga netizen, hindi daw ito nakakabuti sa relasyon nila ng girlfriend na si Sarah Geronimo lalo na at bukang bibig niya na mahal niya ito at hinid niloloko.

Diretso naman sinagot ni Matteo ang mga bashers na walang malisya sa kaniyang ginawa at parte lang daw ito ng pagwo-workout niya kung saan iginiit niya na hindi siya magpapaapekto sa kung anumang maling alegasyon ang ibato sa kaniya.

Facebook Comments