Manila, Philippines – Aapela sa Court of Appeals ang siyam na pulis Maynila kabilang si PO2 Jerry Davu ng Homicide Section ng MPD na naniniwalang napolitika lamang siya sa naging desisyon ng Ombudsman sa kontrobersya na isyu kaugnay sa siyam na pulis kabilang ang tatlong opisyal na inireklamo ng dalawang babae ng kasong Arbitrary Detention noong taong 2015.
Ayon kay PO2 Davu na nakatalaga sa Homicide Section ng MPD hiniram lamang ang mobile ng Homicide Section at siya ang naging driver nito kung saan nagreklamo ang isang babae sa Womens Section ng MPD noong taong 2015 dahil ayaw ibigay ang kanyang anak pero sabi ng suspek bago ibigay ang kanyang anak ay kinakailangan umanong makipagtalik sa suspek.
Dahil dito humingi ng tulong ang Womens Section sa General Assignment Section ng MPD upang arestuhin ang suspek.
Agad na nagsagawa ng follow up operation ang mga otoridad para arestuhin ang suspek kung saan gamit ang mobile ng Homicide Section nagtungo sa isang fast food chain sa San Lazaro Sta Cruz Manila upang arestuhin ang suspek.
Paliwanag ni PO2 Davu napolitika umano siya at hindi umano dumaan sa tamang proseso upang ipaliwanag ang ang kanyang panig kung saan agad nagdesisyon ang Ombudsman at sinibak agad ang 9 na pulis kabilang si PO2 Davu sa kasong Arbitrary Detention.