NAPURNADA | Side visit ni Chinese Pres. Xi Jinping sa Davao City, hindi na matutuloy – Malacañang

Hindi makakabisita si Chinese President Xi Jinping sa hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Ito ay kasabay ng nakatakdang state visit ng Chinese chief executive sa November 19 at 20.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea – walang mangyayaring side visit si Xi sa Pilipinas.


Samantala, hindi dinaluhan ni Xi ang ASEAN meetings sa Singapore pero inaasahang present ito sa APEC meeting sa Papua New Guinea.

Bibisita rin si Xi sa Brunei Darussalam bago magtungo ng Pilipinas.

Ang pagbisita ng Chinese president ay tugon sa imbitasyon ng Pangulong Duterte matapos itong bumisita sa China noong October 2016.

Facebook Comments