Narco-politicians, sinasabotahe ang war against illegal drugs ng administrasyon ayon sa Malacañang

Manila, Philippines – Isinisi ng Palasyo ng Malacañang sa mga narco-politicians ang mga negatibong balita ngayon patungkol sa war against illegal drugs ng administrasyong Duterte.

Ito ang sinabi ng palasyo matapos ibunyag ni Pangulong Duterte na mayroong sumasabotahe sa laban sa iligal na droga at pinapa-imbestigahan pa niya ito kay Philippine National Police Chief Director General Ronal Bato Dela Rosa.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, lubos na naapektuhan ng war against illegal drugs ng administrasyon ang mga narco-politicians na namayagpag noong nakaraang administrasyon.


Kaya hindi na nakakagulat aniya na magsama sama ang nga ito para sirain ang pangunahing kampanya ni Pangulong Duterte para lumikha ng galit sa pamahalaan.

Sinabi din ni Abella na ang mga nagdaang pagpatay sa mga binatilyo ay dapat tingnan ng may pagdududa.

Facebook Comments