Saturday, January 31, 2026

Narekober ang nawawalang cellphone ng policewoman na pinatay kasama ang kanyang anak mula sa isa sa tatlong suspek na naaresto sa Novaliches, Quezon City.

Nahuli na ang mga suspek sa pagpaslang kay Police Senior Master Sergeant Diane Marie Mollenido at sa kanyang walong taong gulang na anak.

Kinilala ang mga suspek na sina Pia Katrina Panganiban, 29 taong gulang, car agent; ang asawa nitong si Christian Suarez Panganiban, 44 taong gulang, dismissed na miyembro ng PNP; at si Gil Valdemoro Dy, 41 taong gulang. Nadakip ang mga ito sa magkakahiwalay na lugar sa Quezon City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na magkakatulong ang mga suspek sa pagpaslang sa nasabing mga biktima.

Narekober mula sa kanila ang ₱100,000 cash at ang parehong cellphone ng mga biktima, na nakuha naman kay Dy.

Samantala, patuloy na ginagalugad ng mga personnel ng CIDU at PS-4, kasama ang mga suspek na sina Dy at Panganiban, ang mga lugar sa Bulacan at Pampanga para sa posibleng pagrekober ng baril na ginamit sa pagpaslang sa Pulilan, Bulacan.

Habang ang sasakyang ginamit ng mga suspek sa pag-dispose ng mga katawan ng biktima ay kasalukuyang sumasailalim sa laboratory examination ng PNP Forensic Group sa Angeles, Pampanga.

Facebook Comments