NASA 1.6 TONELADANG BAWANG, IPINAMAHAGI NG FCA

Cauayan City, Isabela- Aabot sa nasa 1.6 na tonelada ng bawang ang naipamahagi sa tulong ng Kadiwa ni Ani at Kita Outlets and Farmers Cooperative and Associations (FCA) na kung saan isang (1) tonelada ang nakarating at naipamahagi sa lambak ng Cagayan.

Samantala, ang natitirang 600 kilo ng bawang naman ay naibenta sa Department of Agriculture Kadiwa Center sa Quezon City kung saan kinuha ng mga Institutional Buyers ang inorder nilang bawang sa pamamagitan ng DA-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS).

Bago ito, nauna ng iniugnay ng AMAD ang asosasyon ng bawang sa FreshBuys PH kung saan matagumpay na naibenta ang nasa 200 kilo ng bawang.

Tiniyak naman ng Department of Agriculture na patuloy silang tutulong sa mga magsasaka ng bawang sa pamamagitan ng iba’t ibang programa nito sa AgriBiz.

Pagkatapos matulungan ang mga magsasaka mula Batanes, ay dadako naman ang AMAD sa Nueva Vizcaya upang maghanap ng mamimili para sa 196 kilong luya na produkto ng nasabing bayan.

Sa ngayon, tinutulungan ng AMAD ang mga magsasaka ng saging mula sa Peñablanca, Cagayan para sa pagbebenta ng kanilang ani.

Kaugnay nito, para sa mga interesadong grupo ng producer, mamimili, at partner, nag-aalok ang DA-AMAD ng Market Information, Market Linkage Product Promotion, Agribusiness Promotion, and Agribusiness Development Services.

Facebook Comments