TOP MOST WANTED PERSON SA CAGAYAN VALLEY, NADAKIP

27
Nahulog sa kamay ng mga batas ang Top Most Wanted Person sa lambak na Cagayan Valley sa isinagawang manhunt ng mga awtoridad nitong araw, Setyembre 19, 2022.

Kinilala ng suspek na si Ronan Marione Lim, 20-taong gulang, estudyante, at residente ng Purok 5, Barangay Casat, Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ayon ibinahaging impormasyon ng Police Regional Office 2 (PRO 2), ang suspek ay nadakip sa kasong paglabag sa RA 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2006 bandang 10:40 ng umaga ng parehong araw ng mga tauhan ng Bayombong PS kasama ang Nueva Vizcaya Provincial Highway Patrol Team (NVHPT).

Siya ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas na ni Hon. Felix S. Domingo, Presiding Judge of RTC Branch 28, Second Judicial Region noong Setyembre 2, 2022.

Nagkakahalaga naman ng P300,000 ang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Si Lim ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Bayombong Police Station bago para sa i-turn over sa pinagmulang korte.

Facebook Comments