NASA 50 KATAO, NAKAPAGDONATE NG DUGO SA BAYAN NG GAMU

Cauayan City, Isabela- Boluntaryong nag-donate ng dugo ang nasa 50 na indibidwal sa isinagawang Blood Letting Activity nitong Sabado, ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan sa Brgy. Upi Covered Court, Gamu, Isabela.

Inisyatibo ng pribadong organisasyon na Pinacanauan Masonic Lodge No. 318 ang nabanggit na aktibidad na may temang “Dugong Mason, Give Blood and Save Lives”.

Samantala, katuwang sa blood letting activity ang Cagayan Valley Medical Center at Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Gamu.

Nakiisa rin ang mga Army Reservists mula sa 202nd Community Defence Center (CDC), 2nd Regional Community Defense Group (2RCDG); at Gamu Police Station.

Layunin ng nasabing aktibidad na makakolekta ng dugo na maaaring ipagkaloob sa mga mamamayan na nangangailangan at maipakita ang pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan katuwang ang pribadong sektor sa pagbibigay serbisyo publiko.

Facebook Comments