DISTRITO DOS NG ISELCO-II, MAY BAGONG BOARD OF DIRECTOR NA

21
Cauayan City, Isabela- May nanalo na! Ito ay matapos isagawa ng Isabela Electric Cooperative II (ISELCO-II) ang eleksyon ng Board of Director para sa District II nitong Sabado, Ika-17 ng Setyembre taong kasalukuyan.

Ayon sa impormasyon na ibinahagi ng kooperatiba, pormal ng iprinoklama si Director Lito Ramirez bilang bagong Board of Director ng District II na sakop ang mga bayan ng Burgos at Gamu.

Kaugnay nito, isinagawa ang eleksyon sa dalawang magkaibang lugar partikular sa Caliguian Elementary School at Cullalabo Elementary School.

Samantala, pinangunahan ang nasabing mga aktibidad nina Atty. Oswaldo Gabat, National Electrification Administration (NEA)-Assigned Project Supervisor at Ginoong Charles Roy Olinares, Office-in-Charge, General Manager, ISELCO-II.

Facebook Comments