NASABAT | Apat na kilo ng shabu, nakumpiska ng PDEA sa magkahiwalay na lungsod

Manila, Philippines – Aabot sa P20 milyon halaga ng shabu ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon sa Maynila at Makati city.

Naaresto ang suspek na si Antonio Luviano sa Makati habang sa Malate nasakote si Contelina David.

Ayon kay PDEA NCR Director Ismael Fajardo, nakuhaan ang dalawang suspek ng tig dalawang kilo ng shabu.


Kapwa namang itinaggi ng dalawang suspek ang pagkakasangkot sa krimen.

Facebook Comments