NASABAT | Mahigit 30 kilo ng ephedrine, nasamsam sa Pasig

Higit 30 kilo ng hinihinalang ephedrine, isang medication at stimulant na kadalasang ginagamit para mapataas ang blood pressure ang nasamsam sa isang gusali sa Kapitolyo, Pasig City.

Ang ephedrine ay mayroong chemical structure na pareho sa methamphetamine at pwedeng gamiting sangkap para gumawa ng shabu.

Ayon kay Chief Superintendent Bernabe Balba, direktor ng Eastern Police District (EPD), wala ang may-ari ng gusali at tanging caretaker at guwardiya lang ang kanilang naabutan.


Itinanggi naman ng guwardiya na may alam siya sa mga nakitang illegal substance.

Aniya, hindi naman kasi niya pinakikialaman ang mga gamit ng kanilang Chinese na amo.

Inaalam na ng mga awtoridad kung ito ay may kinalaman sa pagkakadiskubre ng umano ay shabu lab sa San Juan at iba pang mga operasyon.

Facebook Comments