Posibleng bahagi ng 300,000 metriko toneladang asukal na planong angkatin ng bansa ang mga asukal na nasabat sa Subic Port sa Zambales kahapon.
Hinala ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) President Rosendo So, maaaring nauna nang dumating sa bansa ang mga asukal bagama’t wala pang Sugar Order.
Aniya, marahil ay ito rin ang dahilan kung bakit nagmamadaling pumirma ang mga tauhan ng Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration sa iligal na Sugar Order No. 4.
Naniniwala rin si Ka Sendo na namomoroblema ngayon ang mga warehouse na umano’y sangkot sa hoarding kung saan nila ibebenta ang mga inipit nilang asukal sa gitna ng kakulangan sa supply.
Kasunod ito ng pagkakasabat sa libu-libong sako ng asukal sa dalawang bodega sa Bulacan at Pampanga na hinihinalang sakot sa hoarding.