NASABAT | P410M halaga ng cocaine, na-rekober sa karagatang sakop ng Camarines Norte at Quezon Province

Camarines Norte – Nasa 28 na kilo ng cocaine at 16.5 liter ng liquid cocaine ang na-rekober sa karagatang sakop ng Camarines Norte at Quezon Province.

Sa Press conference sa Camp San Vicente Lim Calamba, Laguna inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde na nitong Linggo lamang, Abril 22 ng 7:00 ng umaga nasabat ang liquid cocaine at sinasabing kaya nitong gumawa ng 13 kilo ng cocaine.

Nakita ito ng 4 na mangingisda na lulan ng MB Michelle na sina Virgilio Yanila, Jayner Tisuo, Michael Sekreto at Joven Mendez.


Nang lapitan na at binuksan ay tumambad sa kanila ang kahinahinalang bagay na agad din nilang ipinagbigay alam sa mga otoridad.



Facebook Comments