NASABUGAN | Sundalo, patay sa pagsabog ng bala ng M203 grenade launcher sa Agusan del Sur

133

Agusan del Sur – Patay ang isang sundalo matapos sumabog ang defective na bala ng M-203 grenade launcher sa loob ng headquarters ng 26th Infantry Battalion ng Philippine Army sa Barangay Nicholas, bayan ng Talacogon sa Agusan del Sur.

Ayon kay Lieutenant Colonel Rommel Pagayon, nagliligpit ng mga gamit ang kanilang tropa nang bigla na lang may sumabog.

Dito na aniya nilang nakitang ang wala ng buhay na si Sargent Gonzales habang sugatan naman ang dalawang iba pa.

Naniniwala naman ang pamilya ni Gonzales na aksidente ang nangyari kaya at wala silang planong magsampa ng kaso.

Facebook Comments