NASAGI? | Motorcycle rider, patay sa QC

Quezon City – Patay ang isang motorcycle rider matapos maaksidente sa Camachile flyover sa Quezon City.

Kinilala itong si Richard Sanejas batay na rin sa nakuhang ID nito.

Ayon kay Police Officer 2 Jason Gutierrez, imbestigador ng QCPD traffic sector 1, posibleng may nakasaging sasakyan sa motor ng biktima dahilan para bumangga ito sa concrete barrier ng flyover.


Mayroon kasi aniyang nakitang bakas ng gulong ng kotse sa pinangyarihan ng insidente.

Gayunman, walang nakakita sa nangyari at wala ring CCTV sa lugar na makakatulong sana sa imbestigasyon.

Facebook Comments