Nasa 125-million pesos na halaga ng smuggled rice ang nasabat ng Bureau of Customs sa Manila International Container Port (MICP) kanina.
Ayon kay BOC Commissioner Isidro Lapeña – June 14 nang dumating sa bansa ang 50,000 sako ng bigas mula Thailand.
Pero lumabas sa inspeksyon ng BOC na walang import permit mula sa National Food Authority ang nasabing shipment.
Ang shipment ay iprinoseso ng customs broker na si Diosdado Santiago at naka-consign sa Sta. Rosa Farm Products Corp.
Nabatid na may pending case sa DOJ ang naturang rice importer dahil sa pag-i-import ng 200 container ng bigas nang walang karampatang dokumento.
Samantala, pag-aaralan umano ng NFA kung pwedeng ikonsumo ng tao ang mga nakumpiskang bigas saka isasalang sa auction
Facebook Comments