Umabot na sa 491 ang namatay sa sakit na Dengue sa unang pitong buwan ng 2019.
Mas mataas ito ng 155 kumpara sa bilang ng nasawi noong 2018 na nasa 336.
Sa datos ng DOH, tumaas ng 22 percent ang kaso ng Dengue o 5,744 mula June 30 hanggang July 6 ngayong taon kumpara sa 4,703 na kaso sa parehong panahon noong 2018.
Habang nasa 115,986 kaso ng Dengue ang naitala mula January 1 hanggang July 6, 2019 o halos doble ng bilang na 62,267 sa parehong panahon noong 2018.
Dahil dito, idineklara ng ahensya ang epidemya ng Dengue sa limang rehiyon.
Karamihan ng mga tinamaan ng sakit ay mga bata na edad 5 hanggang14-anyos.
Una nang idineklara ni Health Sec. Francisco Duque III ang National Dengue Alert sa gitna ng patuloy na paglobo ng kaso ng Dengue.
Facebook Comments