Manila, Philippines – Nasilip ngayon ng ilang kongresista ang bilyones na intelligence fund ng pamahalaan matapos ang ginawang pagpapalawig sa martial law.
Ayon kay Magdalo Rep. Gary Alejano, taun-taon ay bilyun-bilyon ang inilalaan na pondo para sa Intel funds ng AFP at PNP pero hindi naman pala ito epektibong nagagamit para sa pagtiyak ng seguridad.
Giit ni Alejano, kung may budget naman sa intel ay hindi na dapat kailangang tugunan ng pagpapanatili ng martial law dahil kaya na itong aksyunan ng security at intelligence forces.
Hindi din siya bilib na kailangan pa ang martial law extension dahil ang mga ginagamit umanong dahilan ng gobyerno ay imminent danger pa lamang na hindi constitutional grounds dahil inalis na ito sa 1987 Constitution.
Sinabi pa ni Alejano na ginagawa ni Pangulong Duterte na cheap ang martial law samantalang ang pagdedeklara nito ay extraordinary power na dapat ginagamit lamang bilang last resort.