Nasino at mga kasamahan nito, nanawagang palayain din ang iba pang aktibistang iligal na inaresto

Nanawagan sina Reina Mae Nasino, Alma Moran at Ram Carlo Bautista sa pamahalaan na palayain na ang iba pang mga kasamahang aktibista at political prisoners na iligal na inaresto.

Matatandaang kahapon, Disyembre 22, ay nakalaya na ang tatlo makaraang magbigay ang mga ito ng surety bond na P282,000 o ikalimang bahagi ng court-set na P1.4 milyon na piyansa.

Ayon kay Nasino, katulad ng pagpapalaya sa kanilang tatlo, karapat-dapat din palayain ang iba pa nilang kasamahang political prisoners na lumalaban para sa kapakanan ng mga mamamayan.


Masaya naman aniyang nakalaya na sila pero mas maganda kung lahat ng aktibista sa bansa na iligal na inaresto, sinampahan ng gawa-gawang kaso, ay mapalaya rin tulad nila.

Nanindigan din si Nasino na ipagpapatuloy nila ang laban at sasagutin ang lahat upang malinis ang kanilang pangalan.

Facebook Comments