NATABUNAN | Bangkay na narekober sa Natonin landslide, umabot na sa 17

Umabot na sa 17 na mga bangkay ang na-recover sa nangyaring landslide sa Barangay Banawel, Natonin, Mountain Province.

Ayon kay Lieutenant Colonel Narciso Nabulneg, incident commander, nakapasok na ang mga malalaking backhoe sa mismong ground zero kung saan naroon ang gusali ng DPWH.

Naging maingat ang mga rescue sa ilang bahagi kaya gumamit lang sila ng pala at nagmanu-mano sa pagtanggal sa mga bato.


Sabi pa ni Nabulneg, napagkasunduan nilang palawigin hanggang sa Biyernes, Nobyembre 9, ang massive retrieval operation sa halip na hanggang ngayong araw.

Nabatid 11 lugar sa Natonin ang idineklara landslide prone area ng Mines and Geosciences Bureau o MGB nong pang 2012.

Facebook Comments