Inihahanda na ng Philippine Army ang mga dagdag na tauhan para tumulong sa search and rescue operations sa bumagsak na DPWH building sa Natonin, Mountain Province.
Ayon kay AFP Northern Luzon Command Spokesperson Major Ericson Bulosan nagtitipon-tipon na ngayon ang dagdag na mga rescue teams para magtungo sa Mountain Province.
Aniya ang Philippine Army 503rd Brigade ang nangunguna sa search and retrieval operation sa natabunang DPWH building.
Batay sa inisyal na ula nasa mahigit 30 mga indibidwal ang nasa loob ng gusali ng matabunan ito ng lupa kahapon ng hapon.
Hanggang kaninang umaga kinumpirma ni Edward Chumawar Jr, head ng PDRRMO sa Mt. Province walong bangkay na ang narekober habang may ilan na rin ang na-rescue.
Ngayon tuloy-tuloy ang search and rescue operation.