Natagpuang Bangkay ng Lalaki sa Cagayan River, Tukoy na ng Pamilya!

287

Cauayan City, Isabela- Tukoy na ng pamilya ang natagpuang bangkay ng isang lalaki na palutang-lutang sa ilog Cagayan kahapon na sakop ng Sitio Callagui, Brgy. San Pablo, Cauayan City.

Nakilala ang biktima na si Manolo Cristobal, 56 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Pissay, Angadanan, Isabela.


Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Kapitan Roger Tumaneng ng Brgy. Pissay, itinawag ng mga otoridad sa MDRRMC ng Angadanan ang nangyaring pagkalunod ng biktima na agad namang ipinaalam sa pamilya ng biktima.

Ayon pa kay Kapitan Tumaneng, kumpiyansa ito at buong pamilya ng biktima na mismong kaanak nila ang natagpuan sa Cagayan river dahil wala naman umanong nalunod sa naturang ilog maliban sa biktima.

Sinabi naman ni Jaypee Barroga, pamangkin ng biktima na tatlong araw nang nawawala ang kanyang angkel na si Manolo.

Posible umanong nahilo ang biktima habang ito ay nangingisda na sanhi ng kanyang pagkalunod.

Facebook Comments

From Advertisers