Bumaba na ang tawag na natatanggap ng One Hospital Command Center (OHCC) kasunod nang pagbaba ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OHCC Medical Officer Dr. Marylaine Padlan, aabot na lang sa 200 hanggang 300 ang average na natatanggap nila kada araw.
Mayorya ng mga tawag ay mula sa Metro Manila, Calabarzon, Davao Region, Ilocos Region at Eastern Visayas.
“Karamihan ng mga na-receive namin ay either asymptomatic or mild sila. Then meron pa rin namang mga nagre-request ng hospital admission. Mostly pa rin nila ay COVID-related pa rin. And then, inquiries po regarding sa vaccination, regarding ano ba yung mga protocols for quarantine and isolation.” ani Padlan
Sa kabila nito, sinabi ni Padlan na binabantayan nila ang sitwasyon sa mga lugar na nasa Alert Level 3 partikular ang mga may moderate risk healthcare utilization kabilang ang Cordillera, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region, SOCCSKSARGEN at Caraga.