3.5 milyong pisong halaga ng shabu, nakumpiska sa isang lalaki sa Talisay, Cebu

Nahuli ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang isang lalaki matapos makuhaan ng shabu na tinatayang aabot sa halagang 3.5 milyong piso sa Talisay, Cebu.

Sa ulat na nakarating kay PNP Chief General Dionardo Carlos, naaresto ang lalaki na kinilalang si John Casper Macaalay, 21 anyos, sa ikinasang buy bust operation.

Nakuha sa pag-iingat nito ang 525 grams ng hinihinalang shabu at isang caliber .22 na baril at mga bala.


Dahil dito inihahanda na ng PNP ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa umiiral na election gun ban.

Facebook Comments