NATATANGING MGA MAGSASAKA SA ISABELA, PINARANGALAN SA BAMBANTI FESTIVAL 2025

Cauayan City – Pinarangalan ng Provincial Government of Isabela (PGI) at Department of Agriculture Regional Field Office No. 02 (DA-RFO2) ang mga natatanging magsasaka ng palay sa Isabela bilang bahagi ng pagdiriwang ng Bambanti Festival 2025.

Kabilang sa mga ginawaran sa male category sina Nemesio G. Nastor mula sa Lungsod ng Cauayan, Emilio D. Mendoza mula sa Luna, Alfredo N. Acierto mula sa Jones, at Ludivio L. Balbin mula sa Lungsod ng Ilagan.

Sa kategoryang kababaihan naman, pinarangalan sina Agapita M. Colcol mula sa San Manuel, Miralie P. Mannag mula sa Cabagan, at Jesusa V. Rarangol mula sa San Mateo, habang sa kategorya para sa kabataan ay ginawaran sina Christian Paulo R. Magsino mula sa Lungsod ng Santiago, Mike Jimbo G. Baloran mula sa Cordon, at Jolina E. Rivera mula sa Cabatuan.


Ang bawat nagwagi ay tumanggap ng plake ng pagkilala, ₱10,000 halaga ng mga kagamitang pangsakahan, at ₱5,000 cash.

Ayon kay Direktor Rose Mary G. Aquino, mahalagang kilalanin ang mga natatanging magsasaka ng Isabela bilang pangunahing tagapag-ani ng palay sa Lambak ng Cagayan at pangalawa sa pinakamalaking tagapagtustos ng palay sa buong bansa.

Facebook Comments