
CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang tatlong kalalakihan at isang babae matapos masakote ng mga otoridad sa pagbebenta at paggamit ng iligal na droga sa Purok 2 Brgy. Mabini, Santiago City.
Ang mga naarestong suspek ay pawang mga nasa wastong edad at residente ng nabanggit na lungsod.
Narekober sa pag-iingat ng mga suspek ang labing isang (11) piraso ng medium transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, labing isang (11) piraso ng small transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may halagang P127,160, isang piraso ng ziplock na naglalaman ng hinihinalang marijuana, at mga drug paraphernalias.
Dinala ang mga suspek at nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.
Samantala, mahaharap naman ang apat na naarestong indibidwal sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.