Nanawagan sa Office of the Ombudsman si Atty. Ferdinand Topacio na muling buksan ang kaso ng Mamasapano killings o ang pagkamatay ng miyembro ng Special Action Force o SAF 44.
Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Topacio na matagal nang uhaw sa hustisya ang mga sundalong biktima ng pagpaslang sa Mamasapano, Maguindanao.
Si Topacio ang abogado ng SAF 44 ng Philippine National Police (PNP) na napatay noong 2015 nang tangkaing isilbi ang warrant of arrest laban sa Malaysian terrorist na si Zulkifli Bin Hir o alyas Marwan.
Sinabi ni Topacio na noong 2019 ay may inihain ng mosyon para sa reopening ng Mamasapano case ngunit naantala ito dahil sa pandemya.
Sa mosyon, nilinaw na nitong hindi na raw nila isasama si dating Pangulong Noynoy Aquino sa nais nilang mapanagot dahil pumanaw na ito.