Singil sa pasahe sa mga bus sa PITX, mahigpit na mino-monitor ngayong dumadagsa ang mga pasahero

Mahigpit na mino-monitor ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang singil sa pasahe sa mga provincial bus.

Layon nito na matiyak na walang mangyayaring overcharging sa pasahe.

Pinapayuhan din ng PITX ang mga pasahero na maagang magpa-book ng kanilang biyahe.


Partikular ang mga uuwi ng Bicol Region lalo na’t nagkakaubusan ng bus patungo sa mga lalawigan sa rehiyon.

Patuloy naman ang random inspection ng mga awtoridad sa mga bus at drug testing sa mga konduktor at driver sa PITX.

Facebook Comments