PBBM, iniutos ang pag-aangkat ng mahigit 65,000 metric tons ng asukal

Iniutos na ni Pangulong Bongbong Marcos na siya ring kalihim ng Department of Agriculture (DA) na madaliin na ang importasyon ng refined sugar.

Alinsunod na rin ito sa Memorandum Order No. 77 na pirmado ni Assistant Secretary Domingo Panganiban na nagsaaad na nasa mahigit 65,000 metric tons ang kinakailangang angkating asukal.

Ginawang dahilan dito ang patuloy na pagsipa ng inflation rate at upang mapatatag ang suplay ng asukal sa pamilihan.


Una nang nagbenta ng P80 kada kilo ng BBM sugar upang maibsan ang kasalatan ng suplay nito sa pamilihan.

Facebook Comments