National day of protest ng PISTON, ikakasa bukas; Jeepney Modernization Program ng gobyerno, pinababasura

Manila, Philippines – Magsasagawa ng malawakang kilos-protesta ang PISTON kasama ang “No To Jeepney Phase-Out Coalition” bukas, July 17.

Ayon kay George San Mateo, pinuno ng PISTON – ito ay para himukin si Pangulong Duterte na ibasura ang Jeepney Modernization Program ng pamahalaan.

Magsisimula ang protesta sa Quezon City Memorial Circle patungong Welcome Rotonda saka magmamartsa hanggang Mendiola sa Maynila.


Kasabay nito ang protest caravan sa Cagayan Valley, Southern Tagalog, Davao at Cebu.

May tigil-pasada rin sa Central Luzon at Bicol Region.

Nagbanta pa ang PISTON na magsasagawa sila ng mas malaking protesta sa araw ng SONA kung hindi sila pakikinggan ng Pangulo.

Facebook Comments