Manila, Philippines – Handa ang National Housing Authority (NHA) na bigyan ng pabahay ang mga kwalipikadong miyembro ng kadamay na sapilitang umokupa ng mga pabahay sa Bulacan.
Pero ayon kay NHA Resettlement and Development Division Manager Elsie Trinidad – balak na nila silang hainan ng eviction notice ang grupo sa darating na Lunes (March 20).
Kapag hindi pa rin sila umalis matapos ang pitong araw matapos ilabas ang abiso ay pwersahan na silang aalisin kahit magbarikada pa sila sa loob ng mga bahay.
Sinabi rin ni Trinidad – karamihan sa mga inokupahang bahay ng grupong Kadamay ay para sa mga pulis at sundalo kung saan ang iba ay fully-paid na.
Sa pananaw naman ni Urban Poor Association Community Organizer Tina Jurado – kulang pa rin ang mga itinatayong pabahay ng nha para sa mga informal settlers.
Samantala, balak paimbestigahan sa kamara ang probleng pabahay para sa mga maralitang taga-lungsod dahil pagkakataon na nito para mapag-aralan muli ang resettlement program ng gobyerno.