National Housing Authority, pananagutin na ang grupong KADAMAY

Manila, Philippines – Pananagutin na ng National Housing Authority o NHA ang grupong KADAMAY matapos ang isinagawang pagsugod ng mga miyembro nito sa kanilang tanggapan sa lungsod ng Quezon.
 
Ayon sa NHA, bukod sa naapektuhan nito ang trabaho ng kanilang ahensiya, marami ring nawala at nasirang public property sa nasabing pangyayari kung saan kabilang ang kanilang metal signage sa harapan ng kanilang opisina.
 
Bukod dito, nag-vandalize pa ang mga miyembro ng Kadamay sa pader, habang may mga naiwan ding basura nang lisanin ng mga ito ang harapan ng gusali.
 
Kaugnay nito, hindi rin nagpatinag ang NHA at mananatili anila ang deadline sa inilabas na eviction notice sa mga kasapi ng KADAMAY na umokupa sa mga bakanteng bahay sa housing projects sa Pandi, Bulacan.
 

 

Facebook Comments