CAUAYAN CITY- Tuluy-tuloy ang isinasagawang National ID Mobile Registration ng Philippine Statistics Authority simula noong ika-21 hanggang ika-25 ng Oktubre sa bayan ng Echague, Isabela.
Ang naturang pagpaparehistro ay bukas para sa mga edad lima pataas kung saan ang mga benepisyaryo ay mula sa Brgy. Dammang West, Malitao, Rumang-ay, Bacradal, at San Felipe.
Samantala, kinakailangan lamang na magdala ng kaukulang dokumento ang mga magpaparehistro gaya ng anumang ID na tama ang information, may birthday at hindi pa expired, original birth certificate, employee ID, Passport, o Brgy. Clearance with picture.
Facebook Comments